Thursday, December 27, 2012

Kaya ko ba?

Sabi ko kay Bea Sam,
"Subukan niya akong iwasan, wala na siyang best friend na babalikan."

Madaling bitawan pero mahirap panindigan.
Kung magkatotoo ngang iwasan niya ako, makakaya ko kaya?
Kakayanin ko ba na wala siya? Kakayanin ko bang iwanan o pabayaan nalang siya?
Kasinungalingan lang ang lahat ng sinasabi ko. Dahil alam ko naman ang sagot dito. 

Hindi siguro.
Kung kakayanin ko man, sobrang paghihirapan ko naman yun. 
Kaya sana lang, sana wag siyang lumayo.

Monday, December 24, 2012

Joker Kase Ako.


"Wag ka na maghanap. Baka kasi sa kakahanap mo, lumagpas na ang tingin mo. Malay mo nasa paligid lang pala ang taong magpapasaya sayo."
Sabay joke ng "Malay mo ako yun. Hehe."

May mas oobvious pa ba sa sinabi ko sakanya? Pagod na daw siyang maghanap eh. 
Sa loob loob ko lang...Hello? Andito ako sa baba. At dahil matangkad ka, try mong  yumuko para makita mo ako :)

'Di ko alam kung nagtatanga-tangahan at nag mamanhid-manhidan lang siya, dahil sa lahat ng pagpaparamdam ko, puro joke ang sagot niya. Puro tawa. Palibhasa lagi kaming ganito, simula dati pa.
 Laging pa-joke na sweet, pa-joke na landian, pa-joke na kilig. Dating pa-joke na unti-unting naging totoo para saakin, dating pa-joke na joke parin para sakanya ngayon.

Yun ang hirap dun. 
Joker ako eh, kaya tini-take niya ako as a joke.
Clown niya lang ako. Tagapagpatawa pag may problema siya.
Pilit na nagpapatawa para lang sumaya siya. 
Pero hindi niya alam na ang tanging hangad ko lang ay ang mapaligaya siya.

Sabi ko pa na wag niyang ibase sa itsura, katawan o sa mga qualities sa listahan niya. Kase malay niya, hindi naman pala ganun ang magpapasaya sakanya. 
Sabi ko mag hintay siya ng taong magmamahal at mag aalaga sakanya. Yung hindi siya iiwan at susuportahan siya palagi. Yung taong may tiwala at naniniwala sakanya. 

Tumungo siya. Oo daw, tama ako. 
Pero...Mukhang hindi niya parin ma-gets kung sino ang tinutukoy ko.
Hindi niya parin ma-realize kung sino ang gumagawa nitong lahat para sakanya.
Inuulit ko, andito ako sa baba. Naghihintay na yumuko ka. 

At ang huli kong sinabi sakanya,
"Matuto ka kasing makiramdam, babe."

Sana. Kahit try mo lang. 


Sunday, November 25, 2012

COMFORT ZONE KO ANG BESTFRIEND ZONE. LUL.

PUNYETAAAAA!!
Yung totoo, may sumpa ba ako?
Sinumpa ba ako na maging BESTFRIEND nalang habang buhay?

Lagi nalang ganto eh. Maaattach ako masyado sa tao sabay pag umeeksena na si feelings, goodbye na si boy. Wala na, iiwan na ako kase nakahalata na ang gago.
Lagi naman ganun. Pangatlong beses na to.

Unang una, si *toot* na dinamayan ko sa mga problema niya.
Na lagi akong hinahanap kasi may problema sila ng girlfriend niya. Naattach ako tas nagkaron ng girlfriend na bago. Proxy girlfriend lang kase ako nung mga panahong single siya. So ayan, bestfriend zone # 1.

Pangalawa, si *toot #2* na bestfriend ko talaga na lumayo sakin kase nadevelop ako sakanya. Punyeta. Yun lang naman. Bestfriend zone #2

Pangatlo, isa sa mga tropa na pinaka ka-close ko. So napapaisip nanaman ako. Kasi ang bait, gwapo at kilalang kilala ko. Kaso mali pala ako. Di ko pa pala siya ganun ka-kilala. Kung kailangan natigil na 'ko sa pagiisip dahil SIGURADO na 'ko, tsaka naman siya nagkwento na may gusto siyang bago. Bestfriend zone #3. And hopefully, last na.

Ayoko na magka-bestfriend na lalake. Kase masakit na nga na i-reject at iwanan ka, mas masakit pa kasi ang laki ng mawawala sayo in the end. At sa huli, marerealize mo lang na WALANG IBANG MAY KASALANAN KUNDI IKAW AT ANG PATOTOT MONG FEELINGS.

Siguro nga may sumpa ako. It's either panget ako, masama ugali ko, may sumpa ako or...all of the above. Something must be wrong with me. Di ko lang alam kung ano.

Pero okay lang yan. Dahil sa pag iisip isip ko, na-realize ko na MAY BRIGHTSIDE pa pala sa pagkaka BFF zone ko.....

ANG IBANG BABAE, MASARAP LANG. HABANG AKO, MASARAP MAGING BESTFRIEND. 

Kaya siguro lagi akong nabebestfriend zone. Comfort zone ko siguro itey?
Well anyway, ayun. Sanay nanaman din na ako. 
Sanay na ma-reject, sanay na masaktan, sanay na inaayawan, sanay na lagi nalang iniiwasan at iniiwan. 
Pero sabi ko nga naman dati, oo sanay na sanay na ako pero wala paring pagbabago.

SANAY NA AKO, PERO DI PARIN MANHID. KASI EVERYTIME, NARARAMDAMAN KO PARIN ANG SAKIT.

Friday, October 19, 2012

Will I end up alone AGAIN?

Muling nagbabalik, andito nanaman ako sa kinatatayuan ko kung
saan hindi ko alam kung saan ako lulugar o kung may lugar ba ako.
'Di ko alam kung saan ako pupunta o kung may pupuntahan ba ako.

May patutunguran ba ako? O kailangan ko na bang maglakad palayo upang makaiwas at 'di na masaktan pa ng lalo?

Ewan ko.........

OKAY CHAROT. HEAVY DRAMA ANG PEG TEH? =))
Pero ayun, oo nga. Here I am again, not knowing where to stand,
not knowing where to go.
English naman ang peg ngayon. ;))

Osiya tama na, seryoso na.
So ayun, as usual andito nanaman ako sa stage ko na 'di ko nanaman alam kung ano nanaman 'to. Kumbaga sa pagdadalaga, "I'm not a girl, not yet a woman" stage ako.

Gusto kong iwasan, pero di ko alam kung pano. 
Ba't ko iiwasan? Kase alam ko na ang kahihinatnan nito. 
Alam ko na sa ending, mag isa parin ako.
Yun na yun eh. Nasanay na din ako.
Sanay na, pero di parin manhid kasi every time, nararamdaman ko parin ang sakit.

So...ano NANAMAN ako ngayon?

Sunday, August 12, 2012

I CAN'T FIGHT THIS FEELING ANYMOOOOORE!

Shet na malagket
WATDAPAKISDIS?
Sabing ayoko na magka crush eh. Kulit naman eh. 

Pogi ka, okay. Mabait ka, okay. 
Mabango ka, nakakatawa ka, viral yang tawa mo, kasundo kita, walang kumokontra, boto sila, kinikilig ako, kinikilig din sila, kahit si Dada sabi pogi ka.
OKAY?
Kung magiging crush mo din ako, edi hooray!! :">
Pero satinigin ko....
Magugustuhan mo 'ko?
NO WAY, HIGHWAY.

Anywaaaaaaaaay.
I think i'm in like with you.
Pero sabi nga naman ni Koya Clark,
"ingat ingat."
Dapat daw kase alam ko na ang limitations ko. Kase baka mamaya gumulong nanaman ako sa kalasingan at umuwi nanaman ng luhaan.
Di na 'ko natuto-tuto. Sa tropa nanaman. 
Ba't ba lagi nalang ganyan?
Di ba 'ko pwede magka crush sa di ko ka-close?!

Lagi nalang ganto, nakakasawa na. 
Wala pang nangyayare pero memorize ko na agad ang mga eksena.
Magkakacrush ako, malalaman mo, iiwas ka kase maaawkwardan ka, masasaktan ako, wala ka ng pake, iiyak nanaman ako parang tanga habang ikaw may kasama ng iba, makakalimutan mo ko habang ako lokong loko parin sayo, makakaget over ako, magiging friends ulit tayo, pero di na ganun ka-close kase baka magkagusto ulit sayo. May sisirain nanaman akong friendship. Friendship natin. 

Kaya as early as now gusto kong iwasan tong feelings na 'to. 
Lalo na't may kaagaw ako sayo. Maganda siya at mapayat habang ako, mabait lang.
Pero joke lang yon syempre maganda din ako. Di nga lang mapayat.
HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA.

Pero ikaw na ang bahala diyan tutal feelings mo naman yan.
Choice mo na kung magpapalandi ka sa kumag na yan.
Joke hahahahahahahahahaha but seriously.

Don't tropa zone me.






Saturday, April 28, 2012

May mas Malala pa sa FRIENDZONE.

BESTFRIEND ZONE.

Isa na siguro yan sa mga PINAKA PANGET NA FEELING na mafefeel mo tungkol sa love.
Ang saklap kase pati ba naman bestfriend mo, umayaw at tumanggi sayo.
Amputa. Panget ba 'ko? Masama ba ang ugali ko?
O sadyang madamot lang siya at ayaw magbigay ng chance?
Puta ka pala eh.

At ang mas malala pa doon, and excuse niya sayo ay
"FRIENDS/BESTFRIENDS kase tayo."
Eh ayun naman pala, mahalaga ka sakanya at ayaw niyang masira ang punyetang friendship niyo. =))

EH ANG KASO.
Yun nga ang rason niya sayo pero bigla bigla mo lang malalaman na ibang friend o bestfriend niya pala ang gusto niyang gago siya.

Tangina mo pala eh. Hayop kang kumag ka.

Ba't yon binigyan niya ng chance? Tapos ikaw hinde?
Panget ka siguro?  O kaya masama ang ugali mo? o pareho? =))

Ang point ko lang siguro dito, aside sa paglalabas ng sama ng loob, ay:
As much as possible, pigilan niyong magkagusto sa kahit sinong ka-close niyo. Kase 
kung mas close kayo, mas masakit. 
Trust me.
Been there, done that, don't wanna do it again. ;)

Guy BFF. Weh di nga?

Naalala ko pa dati, kating kati ako magka BFF na nabibilang sa opposite sex. 
Kase sa mga napapanood ko sa TV, 
pag may bestfriend ka daw na lalaki, halos wala ka ng hahanapin pa. 
Which is medyo truelaloo naman. Kase may instant brother ka. Instant bodyguard, boyfriend, punching bag at kung ano ano pa. 

Ang saya nga naman....as long as SINGLE pa siya..

Ganto kase yan, let me break it down for you. (chos)
Pag matagal na kayong magkakilala, natural lang na para ka ng nanay o yaya niyan. 
So sanay ka na para sakanya, mahalaga ka. Naaalagaan ka, nabibigyan ka ng atensyon. 
At sa lahat ng lalake, isa siya sa mga pinaka makakaappreciate sa mga ginagawa mo.
Pag may problema ka, sakanya ka pwede tumakbo.
Pag malungkot ka, siya ang magiging clown mo.
Pag nag hahanap ka ng kalambingan, siya ang yayakap sayo.
At kahit anong ginagawa niya, lagi yang may oras para sayo.

PERO.
Pano kung si bestfriend, BINATA na?
Shet. Yun lang. Yun lang talaga.
Kase pag nag binata na siya at nagkagusto na sa iba, 
ichapwera ka na.

Pag nagka girlfriend na yan or any form of chakang girly sa buhay niya (ehem), 
burado na si bestfriend sa mapa.
Bakit, kamo?
Kase may bago nang magmamahal at mag aalaga na. (Bagong yaya ba.)
Si girly nalang ang mahalaga para sakanya. Na kay girly nalang atensyon niya.
Maappreciate niya sana ang mga ginagawa mo, kung sana lang tinitingnan ka pa niya.
Pag may problema ka, andun na siya sa shota niya. May oras nalang siya sayo pag magkaaway sila.
(Syempre, babae ka kaya hihingi siya ng payo sayo. Tapos pag okay na ule sila, ichapwera ka nanaman.)
Pag malungkot ka, mas malulungkot ka dahil di na siya ang karamay mo.
Pag kailangan mo ng kalambingan, di na pwede dahil magseselos ang buhang jowa niya.
At higit sa lahat, ang oras niya na dating solong-solo mo, wala nang natira sayo ni isang segundo.

Pero syempre di mo mapipigilan yan.
Kung ako sainyo, bakla nalang ang bestfriend-in niyo.
Mas masaya pa at sigurado kang pag nagka boyfriend siya, di ka pagseselosan ng boyfriend niya.

Sa pag iisip isip ko, napagtanto ko na:
ANY TIME, KAYANG KAYA KANG IPAGPALIT NG BESTFRIEND MONG LALAKE SA KAHIT SINONG BABAE.

pakshet talaga.