Friday, October 19, 2012

Will I end up alone AGAIN?

Muling nagbabalik, andito nanaman ako sa kinatatayuan ko kung
saan hindi ko alam kung saan ako lulugar o kung may lugar ba ako.
'Di ko alam kung saan ako pupunta o kung may pupuntahan ba ako.

May patutunguran ba ako? O kailangan ko na bang maglakad palayo upang makaiwas at 'di na masaktan pa ng lalo?

Ewan ko.........

OKAY CHAROT. HEAVY DRAMA ANG PEG TEH? =))
Pero ayun, oo nga. Here I am again, not knowing where to stand,
not knowing where to go.
English naman ang peg ngayon. ;))

Osiya tama na, seryoso na.
So ayun, as usual andito nanaman ako sa stage ko na 'di ko nanaman alam kung ano nanaman 'to. Kumbaga sa pagdadalaga, "I'm not a girl, not yet a woman" stage ako.

Gusto kong iwasan, pero di ko alam kung pano. 
Ba't ko iiwasan? Kase alam ko na ang kahihinatnan nito. 
Alam ko na sa ending, mag isa parin ako.
Yun na yun eh. Nasanay na din ako.
Sanay na, pero di parin manhid kasi every time, nararamdaman ko parin ang sakit.

So...ano NANAMAN ako ngayon?

No comments:

Post a Comment