Wednesday, November 27, 2013

"Ang babaeng marunong mag-intay, sasalubungin ng right guy." 
                                                    -Papa Jack <3

Hindi ko alam kung maniniwala ako o iisipin ko bang katarantaduhan lang 'to. 
Sa tinagal tagal ng pag hihintay ko, wala akong napala kundi magmukhang tanga lang. 

Nasa sitwasyon ako kung saan kaysa ma-excite ako sa mga posibleng mangyari, 
mas nafu-frustrate lang ako. 

Sa hinaba-haba ng paghihintay ko,
WALA PARIN. 

Hanggang kailan ako maghihintay? Hanggang kailan ako nga nga nalang? Hanggang kailan ako maiinggit sa ibang tao na nakikita kong naglalampungan sa mga liblib na sulok ng SM Southmall? Hanggang kailan ako kikiligin sa lovelife ng iba? 

Hindi na ako naglo-look forward sa mga susunod na kabanata ng storya ng lovelife ko, dahil hindi ko alam kung may susunod pa talaga. Ang masaklap pa diyan, ito na ang bida, ready na ready ng simulan ang storya. Pati ang supporting cast, ready na. Isusulat nalang ang libro. 

Pero ang kaso, walang willing maging leading man para masimulan na ang kwento. 

Hanggang kailan ako makikinig sa kwento ng iba? Kasi ang babaeng 'to, napapagod na sa kaka-antay. Ni-hindi ko nga alam kung meron ba talagang right guy.