Wednesday, November 27, 2013

"Ang babaeng marunong mag-intay, sasalubungin ng right guy." 
                                                    -Papa Jack <3

Hindi ko alam kung maniniwala ako o iisipin ko bang katarantaduhan lang 'to. 
Sa tinagal tagal ng pag hihintay ko, wala akong napala kundi magmukhang tanga lang. 

Nasa sitwasyon ako kung saan kaysa ma-excite ako sa mga posibleng mangyari, 
mas nafu-frustrate lang ako. 

Sa hinaba-haba ng paghihintay ko,
WALA PARIN. 

Hanggang kailan ako maghihintay? Hanggang kailan ako nga nga nalang? Hanggang kailan ako maiinggit sa ibang tao na nakikita kong naglalampungan sa mga liblib na sulok ng SM Southmall? Hanggang kailan ako kikiligin sa lovelife ng iba? 

Hindi na ako naglo-look forward sa mga susunod na kabanata ng storya ng lovelife ko, dahil hindi ko alam kung may susunod pa talaga. Ang masaklap pa diyan, ito na ang bida, ready na ready ng simulan ang storya. Pati ang supporting cast, ready na. Isusulat nalang ang libro. 

Pero ang kaso, walang willing maging leading man para masimulan na ang kwento. 

Hanggang kailan ako makikinig sa kwento ng iba? Kasi ang babaeng 'to, napapagod na sa kaka-antay. Ni-hindi ko nga alam kung meron ba talagang right guy. 

Tuesday, October 1, 2013

Bakit Hindi Ka Crush ng Crush Mo Version 2.0

Sabi ng internet action star na si Ramon Bautista, may pitong posibleng 
rason kung bakit hindi ka crush ng crush mo.

1. Hindi niya type ang pagmumukha mo.
2. Masama ang ugali mo.
3. Hindi niya trip ang mga trip mong tv shows.
3. Sabi sa horoscope niyo hindi kayo bagay.
4.Wala ka sa radar niya at di ka niya napapansin.
5. Baka may syota ang isa sa inyo.
6.  Kung wala siyang syota, baka iba ang crush niya


So okay, let's break it down ha.
Unang una, HINDI AKO PANGET. 
Never ko pang na-encounter na makapagpaiyak ng bata gamit ang mukha ko 
at mas lalong never pa akong napagkamalang nakapang Halloween.
Safe ang mukha ko.

Pangalawa,
HINDI NAMAN MASYADONG MASAMA ANG UGALI KO.
May mga kaibigan naman ako at walang kaaway.
Safe ulit tayo diyan. 

Pangatlo,
Hindi niya trip and mga trip mong TV shows.
Posibleng isa to sa mga rason kaso, hindi naman kami close para
malaman ang mga pinapanood na palabas ng isa't isa.
PERO SYEMPRE ALAM KO KUNG ANO ANG HILIG NIYA DAHIL STALKER AKO.


Pang apat:
Sabi sa Horoscope niyo hindi kayo bagay.
Wait, di ko pa nachecheck.
SYEMPRE ALAM KO DIN KUNG KAILAN ANG BIRTHDAY NIYA.

Ika-lima,
Wala ka sa radar niya at hindi ka niya napapansin.
Excuse me, but I'm all over the place. 
Maliit ang mundong ginagalawan namin dalawa at sakanya
na mismo nanggaling na kilala niya ako. Pero....
DI NIYA AKO PINAPANSIN.

Ika-anim,
Baka may syota ang isa sa inyo.
Sure akong wala ako niyan. NBSB nga eh.
NO BOYFRIEND SINCE BABY.
At ayon sa mga source ko, single pringle din itong si crushie. Sakto,
ready to mingle pa naman ako. Hehe.

Ika-pito,
Baka wala siyang syota pero iba ang crush niya.
PUNYETA BAKA NGA.

Sa pag iisip isip ko... Ito nga lang ba ang mga posibleng maging rason kung bakit hanggang ngayon ay di parin ako crush ng crush ko lalo na't alam niya na nag pinagnanasahan crush ko siya.

At sa aking pag iisip isip aking napagtanto na may isa pa palang posibleng rason kung bakit hindi ka parin crush ni crushie mo.

8. BAKA ABNORMAL KANG KATULAD KO.

Paano mo ma-veverify na abnormal ka na kagaya ko?

1. Hindi ka makapag "hi" ng maayos.
Teh, hi lang yan, hindi "i love you". Gaga ka.

2. Hindi ka makatingin sa kanya.
Ano ka? Duleng?

3. Banggitin lang ang pangalan niya, akala mo inalok ka na ng kasal sa tuwa.
Kumalma ka, babaita.

4. Pag andiyan siya halos maiyak ka sa saya.
FYI, dumaan lang siya. Hindi ka pinansin.

5. Sinusulat mo ang pangalan niya sa likod ng notebook mo.
Aral aral din pag may time.

6. Puro ka pantasya, nalalaspag na ang utak mo.

7. O KAYA NAMAN AY...
FINALLY NAG 'HI' NA SIYA PERO KAYSA SA SUMAGOT KA, TUMILI KA LANG AT KUMARIPAS NG TAKBO PAPUNTA SA BANYO. 
Kung ganito ang ginawa mo...congratulations at magsama na tayo! Dahil ito din ang ginawa ko.

So, sa tingin mo, bakit hindi ka crush ng crush mo?


Tuesday, May 7, 2013

Because maybe, just maybe, it's time to leave those feelings behind...

Siguro may ganun nga. 

Isang tao na kahit anong subok mong kalimutan, di mo magawa.
Isang tao na pilit mong ibaon sa limot pero bigla biglaan paring sumusulpot sa isipan mo.

Kung ganun, ang lakas ng tama mo sa taong ito.

ANG LAKAS NG TAMA KO SA KANYA. 

Taon na ang lumipas pero hanggang ngayon gulong gulo parin ako.
Makalipas ng 4 na taon, heto parin ako at puno parin ng katanungan,
puro parin ako alinlangan.

Ba't ba di ko nalang siya kalimutan?
Hindi ba ako pwedeng mag move on nalang?

Oo, nasasabi kong wala na akong nararamdaman. 
Pero sabi nga naman nila, hanggat sa binabalikbalikan mo pa
ang mga alaala at lahat ng tungkol sa kanya,
HINDI PA DAW TAPOS ANG LAHAT.

Pero bakit hanggang ngayon,
Di ko parin masabi na hindi ko na siya babalikan?

Baka nga.
Baka nga hindi pa ako okay?
Baka nga siya parin.


O kaya naman baka hindi lang talaga ako makapag move on sa susunod 
na kabanata ng buhay ko dahil lang sa mga katanungan kong
hanggang ngayon ay wala paring sagot?

Sabi ng mga kaibigan ko wala daw kasing closure. Walang kasiguraduhan.
Kaya daw siguro hanggang ngayon, stuck parin ako sa past.

Nakalipas na at hindi n maaaring ibalik pero pilit ko paring
binabalikbalikan. 

Pero siguro, ganun lang talaga kalakas ang tama ko sakanya.

Tuesday, April 16, 2013

#MedyoBadBoy

Pinapansin mo nalang ang best friend mo pag may kailangan ka.
#MedyoBadBoy
Kinakausap mo nalang si best friend pag may hihingin ka na di kayang ibigay ng shota mo.
#MedyoBadBoy
Ngayon umaasta ka ng parang di mo siya kilala palibhasa may shota ka na.
#MedyoBadBoy
Pero pag wala ang syota mo, biglang kilala mo na ulit siya.
#MedyoBadBoy

May shota ka na kaya di mo na kailangan ng best friend.
#MedyoBadBoy
May kalandian at kalampungan ka na kaya di mo na kailangan ang presence ni best friend.
#MedyoBadBoy
Sa tuwing kasama mo si shota, 'di ka man lang makapag-hi kay bestfriend.
#MedyoBadBoy


Asan na yung beso ko? Asan na yung hug ko? Asan na yung kakulitan ko? Asan na yung kausap ko? Asan na yung poging best friend ko? Asan ka na?
Na kay shota na.
#MedyoNakakamiss
#MedyoMasakit
#MedyoSelos
#MedyoNakakainggit

Pero okay lang yan :) Kasi....

PAG INIWAN KA NA NI SHOTA....
#MedyoWalaKaNgBabalikan 

Ahihihi. Yun lamang :D

'Nak ng tinapa bad boy ka eh! HEHEHEHE. Ge.