December 28, 2008.
Isang araw na hinding hindi ko makakalimutan.
Dito nag simula ang lahat.
Ang lahat ng sakit, lahat ng saya.
Lahat ng ligaya na napalitan ng napaka habang pag durusa.
Siguro kung 'di ako sumama, 'di ako nagka ganto.
Kase dun naman talaga nag simula.
Kung hindi pala ako sumama sakanila noon, edi sana di ako nahulog ng sobra.
Hindi sana ako umasa.
Dahil kung tutuusin, crush ko lang naman talaga siya nung una.
Kaso simula nung araw na 'yon, nag seryoso ako.
Nagmahal ako, umasa ako, ibinasura lang ako, nasaktan ng todo-todo.
Nasayang lang ang tatlong taon ko.
Tatlong buwan din yon na sobrang saya ko.
Sobrang saya ko kase akala ko mahal niya ako.
Tatlo din kaming nag aagawan sakanya noon, at sa aming tatlo, ako ang pinaka talo.
Nung una akala ko panalo ako kase number 2 ako. At sabi nga naman nila, "Ba't ka maghahanap ng number 2 kung mahal mo naman talaga si number 1?"
So inisip ko na siguro nga ako ang gusto niya. Tutal, yun naman din ang pinaniwala niya sakin.
Ako naman 'tong si tanga na naniwala agad.
Ba't ako talo?
Kase dalawa na nga kami, 'di parin siya nakuntento.
Oo, may pangatlo.
Nung tinanong pa siya kung sino talaga ang mahal niya, "Mahal ko silang tatlo." ang sinagot niya.
At 'di lang yon, may ranking pa 'yang kasama.
Ako ang pinaka hindi niya gusto, ako ang pinaka walang halaga sakanya.
Sakanya mismo nanggaling 'yan, siya mismo ang nagsabi niyan.
Matapos ang tatlong buwan ng kaligayahan, para namang bala na sobrang bilis akong tamaan ng kalungkutan.
Nagkaalaman na at lahat, pero wala akong natanggap na paliwanag o sorry. Biglaan nalang akong pinabayaan, iniwan sa ere.
Wala na akong ibang ginawa kundi umiyak at magtaka kung bakit.
Hanggang sa dumating ang panahon na naging okay na 'ko, nagkagusto ako sa iba.
Nabigo ulit ako at nasaktan, umiyak ulit ng parang walang katapusan.
Pero ayos lang, at least sa iba naman.
Pero, habang mahina ako't nawawalan nanaman ng pag asa, eto nanaman siya at umeksena.
May pa comfort comfort pang nalalaman, ayan tuloy,
sakanya nanaman ang bagsak ko.
Napaasa niya nanaman ako.
Pero buti nalang 'di ako natuluyan.
Kase after 3 years, ganun parin ang modus operandi niya.
Paasahin ka ar kung kailang mahal na mahal mo na siya, iiwan ka niya.
So ano na 'ko? Ano ng mangyayare ngayon?
December 28, 2011 na, pero puro parin ako tanong.
Some people never change.
Gago ka parin at tanga parin ako.