Sunday, August 12, 2012

I CAN'T FIGHT THIS FEELING ANYMOOOOORE!

Shet na malagket
WATDAPAKISDIS?
Sabing ayoko na magka crush eh. Kulit naman eh. 

Pogi ka, okay. Mabait ka, okay. 
Mabango ka, nakakatawa ka, viral yang tawa mo, kasundo kita, walang kumokontra, boto sila, kinikilig ako, kinikilig din sila, kahit si Dada sabi pogi ka.
OKAY?
Kung magiging crush mo din ako, edi hooray!! :">
Pero satinigin ko....
Magugustuhan mo 'ko?
NO WAY, HIGHWAY.

Anywaaaaaaaaay.
I think i'm in like with you.
Pero sabi nga naman ni Koya Clark,
"ingat ingat."
Dapat daw kase alam ko na ang limitations ko. Kase baka mamaya gumulong nanaman ako sa kalasingan at umuwi nanaman ng luhaan.
Di na 'ko natuto-tuto. Sa tropa nanaman. 
Ba't ba lagi nalang ganyan?
Di ba 'ko pwede magka crush sa di ko ka-close?!

Lagi nalang ganto, nakakasawa na. 
Wala pang nangyayare pero memorize ko na agad ang mga eksena.
Magkakacrush ako, malalaman mo, iiwas ka kase maaawkwardan ka, masasaktan ako, wala ka ng pake, iiyak nanaman ako parang tanga habang ikaw may kasama ng iba, makakalimutan mo ko habang ako lokong loko parin sayo, makakaget over ako, magiging friends ulit tayo, pero di na ganun ka-close kase baka magkagusto ulit sayo. May sisirain nanaman akong friendship. Friendship natin. 

Kaya as early as now gusto kong iwasan tong feelings na 'to. 
Lalo na't may kaagaw ako sayo. Maganda siya at mapayat habang ako, mabait lang.
Pero joke lang yon syempre maganda din ako. Di nga lang mapayat.
HAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA.

Pero ikaw na ang bahala diyan tutal feelings mo naman yan.
Choice mo na kung magpapalandi ka sa kumag na yan.
Joke hahahahahahahahahaha but seriously.

Don't tropa zone me.






No comments:

Post a Comment