Monday, December 24, 2012

Joker Kase Ako.


"Wag ka na maghanap. Baka kasi sa kakahanap mo, lumagpas na ang tingin mo. Malay mo nasa paligid lang pala ang taong magpapasaya sayo."
Sabay joke ng "Malay mo ako yun. Hehe."

May mas oobvious pa ba sa sinabi ko sakanya? Pagod na daw siyang maghanap eh. 
Sa loob loob ko lang...Hello? Andito ako sa baba. At dahil matangkad ka, try mong  yumuko para makita mo ako :)

'Di ko alam kung nagtatanga-tangahan at nag mamanhid-manhidan lang siya, dahil sa lahat ng pagpaparamdam ko, puro joke ang sagot niya. Puro tawa. Palibhasa lagi kaming ganito, simula dati pa.
 Laging pa-joke na sweet, pa-joke na landian, pa-joke na kilig. Dating pa-joke na unti-unting naging totoo para saakin, dating pa-joke na joke parin para sakanya ngayon.

Yun ang hirap dun. 
Joker ako eh, kaya tini-take niya ako as a joke.
Clown niya lang ako. Tagapagpatawa pag may problema siya.
Pilit na nagpapatawa para lang sumaya siya. 
Pero hindi niya alam na ang tanging hangad ko lang ay ang mapaligaya siya.

Sabi ko pa na wag niyang ibase sa itsura, katawan o sa mga qualities sa listahan niya. Kase malay niya, hindi naman pala ganun ang magpapasaya sakanya. 
Sabi ko mag hintay siya ng taong magmamahal at mag aalaga sakanya. Yung hindi siya iiwan at susuportahan siya palagi. Yung taong may tiwala at naniniwala sakanya. 

Tumungo siya. Oo daw, tama ako. 
Pero...Mukhang hindi niya parin ma-gets kung sino ang tinutukoy ko.
Hindi niya parin ma-realize kung sino ang gumagawa nitong lahat para sakanya.
Inuulit ko, andito ako sa baba. Naghihintay na yumuko ka. 

At ang huli kong sinabi sakanya,
"Matuto ka kasing makiramdam, babe."

Sana. Kahit try mo lang. 


No comments:

Post a Comment