PUNYETAAAAA!!
Yung totoo, may sumpa ba ako?
Sinumpa ba ako na maging BESTFRIEND nalang habang buhay?
Lagi nalang ganto eh. Maaattach ako masyado sa tao sabay pag umeeksena na si feelings, goodbye na si boy. Wala na, iiwan na ako kase nakahalata na ang gago.
Lagi naman ganun. Pangatlong beses na to.
Unang una, si *toot* na dinamayan ko sa mga problema niya.
Na lagi akong hinahanap kasi may problema sila ng girlfriend niya. Naattach ako tas nagkaron ng girlfriend na bago. Proxy girlfriend lang kase ako nung mga panahong single siya. So ayan, bestfriend zone # 1.
Pangalawa, si *toot #2* na bestfriend ko talaga na lumayo sakin kase nadevelop ako sakanya. Punyeta. Yun lang naman. Bestfriend zone #2
Pangatlo, isa sa mga tropa na pinaka ka-close ko. So napapaisip nanaman ako. Kasi ang bait, gwapo at kilalang kilala ko. Kaso mali pala ako. Di ko pa pala siya ganun ka-kilala. Kung kailangan natigil na 'ko sa pagiisip dahil SIGURADO na 'ko, tsaka naman siya nagkwento na may gusto siyang bago. Bestfriend zone #3. And hopefully, last na.
Ayoko na magka-bestfriend na lalake. Kase masakit na nga na i-reject at iwanan ka, mas masakit pa kasi ang laki ng mawawala sayo in the end. At sa huli, marerealize mo lang na WALANG IBANG MAY KASALANAN KUNDI IKAW AT ANG PATOTOT MONG FEELINGS.
Siguro nga may sumpa ako. It's either panget ako, masama ugali ko, may sumpa ako or...all of the above. Something must be wrong with me. Di ko lang alam kung ano.
Pero okay lang yan. Dahil sa pag iisip isip ko, na-realize ko na MAY BRIGHTSIDE pa pala sa pagkaka BFF zone ko.....
ANG IBANG BABAE, MASARAP LANG. HABANG AKO, MASARAP MAGING BESTFRIEND.
Kaya siguro lagi akong nabebestfriend zone. Comfort zone ko siguro itey?
Well anyway, ayun. Sanay nanaman din na ako.
Sanay na ma-reject, sanay na masaktan, sanay na inaayawan, sanay na lagi nalang iniiwasan at iniiwan.
Pero sabi ko nga naman dati, oo sanay na sanay na ako pero wala paring pagbabago.
SANAY NA AKO, PERO DI PARIN MANHID. KASI EVERYTIME, NARARAMDAMAN KO PARIN ANG SAKIT.
No comments:
Post a Comment