Thursday, December 20, 2018

It's a Match!

Totoo nga. 
Totoo at walang halong kasinungalingan ang katagang binitawan ni Papa Jack na, 
"Ang babaeng marunong mag hintay, sasalubungin ng right guy." 

Kamuntik na akong ‘di maniwala at tuluyan ng mawalan ng pag asa. 
Ako noo’y mag bebente kwatro anyos na, pero ni konting tamis ng pag ibig ay wala padin nadama. 
Tumigil sa paghahanap at hindi na umasa na balang araw, kaligayahan ay makikita. 
Hanggang sa isang araw, siya ay nakilala. 

"It’s a Match!" 
Sabi sa aking app. 
Pero katulad ng dati, ‘di ko naman to masyadong inisip at dinamdam. 

Aaminin ko na una palang, umasa na ako ng konti. 
Naisip ko, aba, minsan lang ako makakakita ng tao na sobrang katulad ko. 
At ‘di lang basta bastang katulad, kalahi ko pa at halos kapitbahay ko lang. 
Pero binalewala ko lang din yun nung una, gaya nga ng sinabi ko ay ‘di na ako umaasa. 
 Nagkausap kami at hiningi niya ang Facebook account ko. 
Hindi kagaya ng mga dating naka-match ko, na kanya kanyang tago ng social media palibhasa’y may sikreto. 

At sinong mag aakala na ‘tong lalaking ito na ilang araw bago ko replyan, and magdadala sakin ng labis na kaligayahan. 

Sa tatlong taon na paggamit ko ng app na ‘to, nakahanap din ako ng matino. 
At ‘di lang basta bastang matino, nakahanap ako ng forever ko. 

Cheesy at baduy man pakinggan, pero ito ang katotohanan at ito ang aking nararamdaman. 
Ganito pala yun, ang sarap sa pakiramdam. 
Na mayroon kang taong mahal, pero ‘di ka nag iisa, dahil ikaw ay mahal din niya. 

Ngayon lang ako naging ganto kasaya. 
Masaya ang puso at walang ni anumang pangamba. 

Sa lahat ng napag desisyunan ko, ngayon lang ako naging sobrang sigurado. 
Ngayon lang ako naging matapang, dahil alam kong magiging worth it ito sa dulo. 

Tulad ng sinabi ni Papa Jack, dahil sa ‘king paghihintay, nahanap ko nga ang right guy.
 Sa problema’y kaagapay at alam ko na pang habang buhay. 

Dear Bumbay, 

Mahal na mahal kita at sana alam mo kung gaano mo akong napapasaya. 
Gusto ko malaman mo na ikaw sa akin ay mahalaga at ‘di ako susuko kahit tayo man ay magka problema. 

Minsa’y napagbabawalan kita. 
Huwag kang uminom o di kaya’y umuwi ka ng maaga. 
Alam ko naman na naiintindihan mo kung bakit ako ganto, ang tanging hiling ko lang naman ay ang mag ingat ka at sana ay umiwas ka sa kahit anumang peligro. 

Kagaya ng sinabi ko, pang habang buhay na ito. 
Matagal na matagal pa kitang mahahalin, kahit pa tumaas na ng tuluyan ‘yang hairline mo at magsuot tayong pareho ng pustiso. 

Sabay nating buoin ang mga pangarap natin. 
Kahit maliit lang na bahay na may mga pananim kung saa’y mga Masala natin ay palalakihin. 

Aso sayo, pusa sakin, at kung ano pang mga hayop na maisipan nating alagaan at ampunin. 
Yung may matatambayan sa may hardin kung saan tayo magbubugahan ng usok, o di kaya’y humiga ka lang sa pata kong matambok. 

‘Yan ang na iimagine ko na buhay, lalo na’t di naman tayo nag aaway kahit minsan ako’y napaka taray. 

Ang point ko lang naman sa pagsulat nito, ay malaman mo sana kung gaano kita kamahal at paano mo akong napapasaya. 

Hindi man tayo pala simba, naniniwala parin ako na ikaw ang pinaka malaki kong biyaya. 

Unang Pasko natin to na magkasama, at sinisigurado ko sayo na sa napakadami pang Pasko na lilipas sa buhay mo, andito ako na kasama mo. 

Merry Christmas sa Ranveer Singh ng buhay ko. 

Lablab! :)

No comments:

Post a Comment