Tanong ni Sander sakin."Mahal mo na no?"
'Di ko alam kung anong isasagot ko kaya nag kwento nalang ako. At sa hinaba haba ng mga sinabi ko, iisa lang ang pangiti niyang sagot."Mahal mo na nga."Hindi lang si Sander ang nagtanong niyan sakin. Kahit si Jens."So mahal mo na nga? Iisa lang ang sagot. Oo o hindi...pero mukhang oo." Sabi niya.
Buti pa yung ibang tao, alam kung anong nararamdaman ko. Eh Ikaw ba? Alam mo ba kung gaano ako ka-concerned sayo? Alam mo ba na wala na akong inisip bukod sayo at sa ikabubuti mo? Alam mo bang kinausap ko ang mga prof mo para lang bigyan ka ng konsiderasyon? Alam mo bang gigil na gigil ako sa mga taong naninira sayo?
Malamang hindi mo alam. Malamang kasi wala ka namang pakialam, diba?
Ilan na din ang nagtanong sakin kung ba't di ko pa aminin sayo ang mga nararamdaman ko. At ang tanging sagot ko,
"Ba't ko pa aaminin? Eh alam niya namang gusto ko siya, dati pa."
Lahat sila inaakala na natatakot lang akong masira yung friendship natin. Siguro nga isa yon sa mga rason. Pero ang pinaka main reason ko? Kasi alam kong hindi tugma ang nararamdaman ko sa nararamdaman mo.
"Alam niya naman bebe, dati pa. Diba, kung gusto niya din ako, edi sana siya na tong lumapit. Kaso, hindi."
Yan ang sabi ko kay Wil.
Pinabayaan mo lang ako na unti-unti hanggang sa matuluyan akong mahulog sayo. At wala kang ginawa kundi titigan lang ako.
Pero kagaya nga ng sinabi ko sayo dati, hindi ako humihingi ng kapalit at mas lalong hindi ako umaasang magiging mutual ang feelings natin sa isa't isa.
Out of my league ka nga, diba?
Pero ba't ganon? Pag sayo, 'di ako nakakaramdam ng pagod. Gusto kitang alagaan at masaya ako na alam mo kung kanino ka tatakbo para ipalagay yang Salonpas sa balikat mo.
Kahit alam kong hanggang ganito nalang siguro tayo, masaya parin ako. Masaya na 'di ka lumayo, masaya dahil hinahayaan mo akong alagaan ka at minsan magpanggap na girlfriend mo. Pero higit sa lahat,
masaya ako kasi andiyan ka para pasayahin ako.
No comments:
Post a Comment